Friday, 18 November 2011

Movie Time: Breaking Dawn Part I

First showing night niya kagabi sa Dubai and syempre hindi ko siya pwedeng palampasin.  It was one of my favorites.  Nabasa ko yung four books niya.  At para saken, Breaking Dawn ang pinaka-da best!  Pero wala akong balak magbigay ng spoiler.  Gusto ko lang i-share ang thoughts ko about the movie.
How was it?  It was okay.  I enjoyed it pero hindi ko masabing maganda siya, na pwede kong i-recommend sa lahat.  Para kasing may kulang.  (O, opinyon ko lang 'to. Hindi kailangang magalit hahaha.) Ayoko ko pa sanang lumabas sa movie house.  Gusto ko pa sana siyang panoorin uli.  Bigla ko ngang naisip, sana pwedeng ibalik yung panahon na pwedeng tumambay sa sinehan at ulit-ulitin ang movie.  Baka sa kakaulit ko, makita ko yung kulang.  haha.  Hindi ko alam kung bakit ako nakulangan. Siguro dahil narin hinati sa dalawa ang movie.  Nabasa ko kasi yung book, at sobra ko siyang nagustuhan.  So I had a high expectation on the movie.  Kaso hindi siya umabot sa enjoyment level nung binabasa ko yung book o noong una kong napanood yung Twilight movie.  Mas na-feel ko kasi yung emotions nung binabasa ko yung book.  Mas na-feel kong makatotohan.  Actually, 2 or 3 days ko lang binasa yung Breaking Dawn, as in na-hook ako.  Parang nasa ibang planeta ako, at yung book lang ang kasama ko.  Pero sa movie, feeling nanood ako ng isang teenage movie. hehe.  Hinaluan kasi nila ng mga effects sa part na pwede namang natural. Like yung wedding. at yung beach night scene.  Dinagdagan pa ng ingay ng mga reaktadora't reaktador sa sinehan, na parang may cheering.  Hindi nalang manood ng tahimik at i-enjoy ang movie. (oo na, maarte ako. hahaha). Panonoorin ko nalang siya uli mag-isa siguro mas mag-eenjoy na ko this time. hahaha.  Sayang nga matagal pa tayong mag-iintay ng part 2. Sad.

Thursday, 13 October 2011

Movie Crave: The Avengers


One of my most anticipated movies of 2012, The Avengers!  Panonoorin ko to kahit anong mangyari! Magkasunog o magkabagyo man dito sa Dubai, walang makakapigil saken! hahaha. Three of my favorite male artists are in this movie, Chris Hemworth, Chris Evans and Robert Downey :). Sayang nga lang hindi na-retain si Edward Norton as Incrible Hulk :( 
I know this movie will be top-billed in 2012, wag nga lang ma-spoil ang plot. Kadalasan kasi pag nagkasama-sama ang mga biggest star sa isang pelikula, nagiging walang kwenta ang story. I hope that disaster won't happen in this movie. 
Now we have their first official trailer and I am so excited na! :)

Wednesday, 21 September 2011

Balitang Nasagap: Miss Universe 2011

Katatapos lang ng Miss Universe 2011.  Katulad ng ibang news, mapa-boxing, sports or pagent, everything na nagdadala sa pangalan ng bansa, trending topic lagi.  Nakuha natin ang 3rd runner-up place.  And as usual after every event, everyone has things to say.  Kanya-kanyang opinyon ang naglalabasan.  Maraming hindi natuwa sa naging resulta.  Maraming epal na nagsasabing hindi tama ang sinagot niya.  Pero marami rin namang natuwa at naging proud sa kanya.  At isa ako sa mga 'yon.  Sa akin naman kasi hindi na mahalaga kung hindi natin nakuha ang title.  Saka para saken, walang maling sagot sa isang personal na tanong.  Kasi we have our own opinions and principles.  Ang maging representative ng bansa ay isang napakabigat na responsibilidad.  At hindi lahat ng tao kayang maabot ang narating niya.  And making it to the top 5 is a major achievement na.  Para sa akin nadala niya ng maayos ang Pilipinas and that's makes me prouder even more. She's didn't get the title but for me she's already a winner :)

Wednesday, 7 September 2011

Love-vise: Long Distance Relationship

Nanood kami kagabi ng mga kaibigan ko ng Gandang Gabi Vice.  Isa sa mga segment ng show ay ang pagbibigay ng advise ni Vice at ng guest niya sa caller nila.  Ang caller ay isang lalakeng may girlfriend na mag-aabroad.  Ang tinanong nya ay kung dapat pa ba niyang ituloy ang relationship nila ng girlfriend niya kahit aalis ito at hindi siya makakasama.  Kung dapat ba nyang pasukin ang long distance relationship.
Ito ang tanong na nagpainit ng aking ulo.  Kaya hindi ako mahilig makinig ng mga love advise sa radyo, na-H-HB ako.  Kung sa akin siya nagtanong, nabatukan ko na siya. (hahaha.)
Kasi naman, kung may taong dapat siyang tanungin ng tanong niya, walang iba, kundi ang sarili niya!  Kung love niya ang gf niya, hindi mabubuo ang tanong na yon sa isip niya.  Bakit mag-aalinlangan kang ipagpatuloy ang relasyon nyo dahil lang malalayo kayo sa isa't isa?  I-gi-give up mo nalang ba siya ng basta-basta dahil lang malayo siya?  Bakit nagdi-disappear ba ang love pag malayo ang mahal mo?  Anong klaseng pag-ibig yan?  Nearsighted love??!
Pasalamat siya hindi ako ang girlfriend niya, pag nagkataon!  wala lang.  Hindi nga siya pang-long distance.

Would you go in a long distance relationship?


Bagay sakin ang tanong na yan, kasi nasa ibang planeta ako.  I've never been in a long distance relationship.  Never been in any relationship.  But if that relationship comes, I'll give it a try. (Really??).  Kung darating lang naman.  Maraming nagsasabing  mahirap ang long distance relationship.  Maraming relasyon ang hindi nag-wo-work out.  Pero marami din namang nakaka-survive.  Sabi nga nila, hindi mo naman malalaman kung uubra, kung hindi mo susubukan.
Ang life span naman kasi ng isang relasyon ay nakasalalay sa dalawang taong nagmamahalan (naks).  Sabi nga nila, ang isang relationship ay parang bahay.  Sa loob, may tao kang iniingatan at pri-no-protektahan.  Kailangan ang bahay mo may matibay na pundasyon.  Na kahit bagyong signal number 10, hindi ito kayang sirain.  Ganon din sa relationship kailangan may matibay na pundasyon.  Love.  Mag-i-invest ka ng time, effort, trust, loyalty, commitment.   

Sa tingin ko, magwo-work naman ang long distance relationship kung may matibay na love.  Pero ewan pa rin natin (hahaha, biglang bawi).  Kung mahal mo naman ang isang tao, bakit hindi.  Sabi nga, walang imposible sa love.  May sarili itong magic, kaya niyang gawing posible ang mga imposible. hahaha :)

Tuesday, 6 September 2011

Balitang Nasagap: Biggest Crocodile


 Today, this is the picture that took my breath away (langhya, kantang-sintonado).  Abala ako kanina sa aking trabaho, pero nang mahagip ito ng mga mata ko, naagaw niya ang atensyon ko.  Bukod kasi sa hanep ang yakap-pose ni kuya, ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking crocodile.   Hindi ko rin inakala na may ganito palang kalaking crocodile (san ka pa? ganyan ako ka-inosente).  21 foot (6.4 meters), 2370 pounds (1,075 kg) kasyang kasya ako sa tiyan niya.  Kahit naman sino, hindi makakatulog ng matino kung alam mong may ka-baryo kang ganito ka-dambuhalang reptile.  Kahit gaano ka pa kabantot, walang ligo at walang toothbrush.  Malalamon ka nito, kapag gutom.  Talo-talo na! (hahaha).  Kaya matakot ka.  Hindi ka na magtataka kung bakit laking pasasalamat ng mga taga-Banuwan nang mahuli ito.  Pero hindi pa dyan natatapos ang kanilang kwento, dahil may hinahanap pa silang mas dambuhalang crocodile. 

Pasalamat rin tayo kay Dambu Crocs (yan na ang name ko sa kanya) kasi, dahil sa kanya nailagay na naman ang Pilipinas sa mapa.  Celebrity ang dating ni Dambu Crocs.  Maaari siyang maitala sa The Guiness Record na 'Biggest Crocodile Caught Alive'.  Kung saan-saan pang sikat na news source mo mababasa ang tungkol sa kanya.  BBC, AFP, Yahoo, at syempre sa blog ko.  Malaking  privilege na ang ma-feature sa blog ko dahil minsan lang ako sipagin magsulat! (hahaha).  Ganyan siya kasikat!

Huwag lang sana siyang patayin at gawing Hermes Berkin bag.  Ang halaga ng isang Hermes bag ay $9,000 to $150,000, ibig sabihin ginto ang balat ng crocodile!  Ayon sa ating batas, pinagbabawal ang pumatay na mga endangered crocodiles.  Ang sinumang lumabag ay maaring makulong ng 12 taon at magmulta ng isang milyong piso ($24,000).  Kaya kung nagbabalak ka, lamunin mo nalang.  Ang average lifespan naman ng isang crocodile is 45 to 100 years.  Mabilis lang yun, kaya hintayin mo nalang. Malamang buhay ka pa non.(hahaha!)

Malaki rin ang maitutulong Dambu Crocs sa turismo ng ating bansa, isa na siyang tourist attraction.  Ito ang isang patunay na bukod sa buwaya nating mga opisyal, marami ring kakaibang bagay ang meron tayo na wala ang mga sikat at malalaking bansa.  Iyon ang nagpapaangat sa atin sa iba.  Paguwi ko nga sa Pinas papa-picture ako sa kanya! (hahaha)

Tuesday, 30 August 2011

Diary 2day: It's My Kuya's Day

Special day ng kuya ko ngayon, kaso as much as I want to greet him a Happy Birthday hindi ko magawa.  Magkaaway kasi kami. Actually, sanay na ko. Mga bata palang kami, lagi na kaming magkaaway. Sabi ko nga, hindi kayo magkapatid pag hindi kayo nagaaway. Naalala ko pa nung mga bata kami, lagi naming pinag-aawayan ang TV, kung anong channel ang panonoorin. O kaya yung mga bagay na gusto nya na hindi ko gusto, kinokontra ko. Ewan ko ba, minsan naiisip ko kontra-bulate ako sa kanya. Hindi ko nga sya masisisi kung feeling niya hindi ko siya ginagalang. Hindi ko na nga sya tinatawag na 'kuya', madalas ko pa siyang kinokontra. Pagdating kasi sa family matters, I always want to air my opinion. Madalas napagmumulan ng away naming magkapatid. Pero kahit gaano ako nakakainis sa paningin ng kuya ko, love na love ko sya. Yun lang, di nya alam :(
Kahit madalas kami mag-away noon, sandali lang, nagkakaayos na kami. Pag nag-away kasi kami, walang imikan. Pero kapag may umimik na, ibig sabihin suko na, okay na uli kami. Pataasan ng Pride. Larong pambata.
Kaso iba ngayon, 3 months na ang nakalipas simula nang nagka-inisan kami. As usual, nakialam na naman kasi ako sa buhay nya. Naging kontra-bulate na naman ako. Aminado naman ako na nakakainis na ako. Kaso hindi ko lang talaga mapigilang makialam. Lalo na kung alam kong may katwiran naman ako.
Nung una, siya lang ang galit, hindi naman ako galit. Hanggang sa nakabalik na ko ng Dubai, hindi siya nagpakita. Sobrang lungkot ko non, kaya sobrang nagtampo din ako. Dumating din ang birthday ko, hindi man lang ako naalalang batiin. Kaya nadagdagan ang tampo ko. Pero kahit naman nagtatampo ako, gusto ko pa rin syang batiin ng happy birthday, yun lang dito ko nalang siya igri-greet.

Happy Birthday Kuya! Sana you're happy on your day. I love you :)

Saturday, 13 August 2011

Gossip Girl Mind War: Chair or Dair?


OMG. This will be my second entry on this blog and it's Gossip-Girl related (tsk, tsk, tsk). I was hooked up in this series, until it reached season 2. I started to skip some episodes which related to Serena-Dan. I hate their team up. I don't see any chemistry between the two. Or maybe I just hate to see them being together, because I am Serena-Nate fan (okay, I'm biased.) Although I don't find it interesting anymore, I still continue to watch it. I'm still waiting for something new, when season 4 arrives. I am Chuck-Blair fan but surpringly, when I saw Dan and Blair being together, I've become more interested in the latter.

Although Dan and Blair have the mutually-hated relationship, they undoubtedly like each other. They know each other inside and out without realizing it. And it amuses me everything they try to deny their feelings. Their kiss thrilled me, however, I thought it just wasn't enough. Dan didn't get a chance to tell Blair that he likes her. We didn't get a chance to see what kind of relationship they can offer. The 'Queen Bee' fall for the 'Lowly Boy' or The 'Good Boy' falling in love with 'The Bitch' will be more exciting. If I will be the writer I will erase Prince's character and replace it with Dan. Dan cares for Blair more than he can imagine while Chuck cares Blair more than anything. That will give us Dan as her right love versus Chuck as her great love. Exciting! Too bad I am not one of the writers :( 

I still want Blair to end up with Chuck but I still want to give more episodes and chance for Blair and Dan. I know it will not happen not unless I'm the writer and write my own story. So I'll just wait for the next season and try to get over with Dan-Blair fantasy :)

Sunday, 7 August 2011

the heart you left behind..

Eto ang mahirap sa pagbabakasyon, ang pagbalik.  Ang pagbalik, sa katotohan na ang lahat ng saya ay may katapusan.  Ito ang pinaka-challenging, pinaka-mahirap at pinaka-hate kong part.  Back to zero uli.  Kailangan ko uling maghintay ng 12 months at magbilang ng 365 days para makasama uli ang mga mahal ko sa buhay..


Sabi naman nila mabilis lang ang panahon, hindi mo mamalayan, one year na ang nakalipas.   Sa totoo lang mabilis naman talaga ang one year kung hindi mo hinihintay.   Kailangan mo lang libangin ang sarili mo.  Mag-focus ka sa ibang bagay kesa sa pagbibilang ng araw.  Pero akala mo ba madali lang gawin yon?  Bago mo magawa yon, kailangan mong makalagpas sa isang challenge, ang mag-move on.  Kailangan mong tanggapin na balik ka naman sa abnormal mong buhay.  Last year after kong magbakasyon, inabot ng months bago ako maka-recover.  Pero ngayon di ko alam kung gaano katagal magi-stay ang aking jet lag..  


Feeling ko nakakulong ako, nakakakulong sa sarili kong pagkatao.  Gusto kong bumalik pero hindi ako makakawala.  Isang linggo na ang nakalipas mula ng makabalik ako sa Dubai.  Pero walang laman ang isip ko kundi ang bumalik sa pinas.  Feeling ko nahati ang katauhan ko sa dalawa.  Oras-oras silang nagtatalo.  Ang isa, paulit – ulit na isinisigaw na gusto na nyang umuwi ng pinas.  Ang isa naman na napakatigas, ito lang ang laging binibigkas:  Kaya mo bang i-give up ang future ng mga mahahalagang tao sa buhay mo? Kaya mo bang harapin ang mga disappointment nila? Kaya mo bang maging makasarili? Kung kaya mo, walang pipigil sayong bumalik.  Kapag naiisip ko na ang mga bagay na yon.  Bigla akong natatauhan.  Para akong robot na biglang marereformat, na ang tanging natitira sa memory chip ay ang goal nya sa buhay, ang reason niya kung bakit sya nasa Dubai.

Kaso sandali lang ang epekto niya.  Pinapasok uli ang utak ko ng: 'Gusto ko ng umuwi ng Pinas' Virus. Masyadong malakas ang virus na to, na hindi kayang tanggalin ng simple troubleshooting lang.  Wala naman kasi ito dati.  Noong una akong pumunta sa Dubai.  Wala akong ganyang virus.  Sumulpot lang siya nang una akong magbakasyon sa pinas.  Kung noon, pamilya lang ang naiisip ko, ang nami-miss ko.  This time, iba na.  Dumami sila.  Nadagdagan ng barkada at nagkaroon ng 'special someone' sa istorya.  Kung noon, isang part ng puso ko may hole, ngaun feeling ko buong puso ko ang naiwan..

Saturday, 6 August 2011

My first post :)

It’s been a while since I last posted something on this blog.  When I created this blog, I promised to update this as often as I can.  Kaso I’ve been busy for the past months with my work and watching movies.  Nabalewala tuloy ang pagsusulat ko. I don’t know what happened to me.  Parang I lost my appetite on writing.  I love writing but I can’t write anymore.  Siguro dahil hindi na ako motivated magsulat?  Maraming bagay-bagay naman ang naglalaro sa utak ko kaso, hindi ko sya maisulat.  Ang nakakatawa, ngayon ko lang narealize na may ganito palang problema ang sarili ko. Haha.  Last time kasi na dumalaw ako dito pinangako sa sarili ko na, I will write something on my birthday.  Kaso nakalipas na ang birthday ko at lagpas na sa deadline, wala pa rin akong naipo-post.  Nag-try akong magsulat kaso intro palang ako, hindi ko na maituloy.  Parang kinakalawang na ang brain ko, hindi na ko makapagsulat ng matino.  Mukhang hindi na nagsi-circulate ng maayos ang ideas sa utak ko.  Kaya eto ako ngayon nag-iimbestiga, inaalam kung ano bang problema.
 Aha! Teka, biglang may flash report na pumasok sa utak ko.  I think alam ko na ang problema.  Epekto siguro to ng tinatawag na ‘love virus’.  Kasi everytime I start to write something, biglang may taong pumapasok sa isip ko.  Nadi-divert ang utak ko sa kanya, kaya yung original ideas ko nawawala, hanggang hindi ko na maisulat.  Hays, kalokang virus yan! First time kasing nangyari saken kaya ayan,  hindi ko alam i-handle (may ganon?) hahaha.  Kailangan lang siguro ng praktis.  So I’ll try to write something then I’ll just post it later J

P.S.  – Congratulate me, I have my first post X)