Friday, 18 November 2011

Movie Time: Breaking Dawn Part I

First showing night niya kagabi sa Dubai and syempre hindi ko siya pwedeng palampasin.  It was one of my favorites.  Nabasa ko yung four books niya.  At para saken, Breaking Dawn ang pinaka-da best!  Pero wala akong balak magbigay ng spoiler.  Gusto ko lang i-share ang thoughts ko about the movie.
How was it?  It was okay.  I enjoyed it pero hindi ko masabing maganda siya, na pwede kong i-recommend sa lahat.  Para kasing may kulang.  (O, opinyon ko lang 'to. Hindi kailangang magalit hahaha.) Ayoko ko pa sanang lumabas sa movie house.  Gusto ko pa sana siyang panoorin uli.  Bigla ko ngang naisip, sana pwedeng ibalik yung panahon na pwedeng tumambay sa sinehan at ulit-ulitin ang movie.  Baka sa kakaulit ko, makita ko yung kulang.  haha.  Hindi ko alam kung bakit ako nakulangan. Siguro dahil narin hinati sa dalawa ang movie.  Nabasa ko kasi yung book, at sobra ko siyang nagustuhan.  So I had a high expectation on the movie.  Kaso hindi siya umabot sa enjoyment level nung binabasa ko yung book o noong una kong napanood yung Twilight movie.  Mas na-feel ko kasi yung emotions nung binabasa ko yung book.  Mas na-feel kong makatotohan.  Actually, 2 or 3 days ko lang binasa yung Breaking Dawn, as in na-hook ako.  Parang nasa ibang planeta ako, at yung book lang ang kasama ko.  Pero sa movie, feeling nanood ako ng isang teenage movie. hehe.  Hinaluan kasi nila ng mga effects sa part na pwede namang natural. Like yung wedding. at yung beach night scene.  Dinagdagan pa ng ingay ng mga reaktadora't reaktador sa sinehan, na parang may cheering.  Hindi nalang manood ng tahimik at i-enjoy ang movie. (oo na, maarte ako. hahaha). Panonoorin ko nalang siya uli mag-isa siguro mas mag-eenjoy na ko this time. hahaha.  Sayang nga matagal pa tayong mag-iintay ng part 2. Sad.

No comments:

Post a Comment