Katatapos lang ng Miss Universe 2011. Katulad ng ibang news, mapa-boxing, sports or pagent, everything na nagdadala sa pangalan ng bansa, trending topic lagi. Nakuha natin ang 3rd runner-up place. And as usual after every event, everyone has things to say. Kanya-kanyang opinyon ang naglalabasan. Maraming hindi natuwa sa naging resulta. Maraming epal na nagsasabing hindi tama ang sinagot niya. Pero marami rin namang natuwa at naging proud sa kanya. At isa ako sa mga 'yon. Sa akin naman kasi hindi na mahalaga kung hindi natin nakuha ang title. Saka para saken, walang maling sagot sa isang personal na tanong. Kasi we have our own opinions and principles. Ang maging representative ng bansa ay isang napakabigat na responsibilidad. At hindi lahat ng tao kayang maabot ang narating niya. And making it to the top 5 is a major achievement na. Para sa akin nadala niya ng maayos ang Pilipinas and that's makes me prouder even more. She's didn't get the title but for me she's already a winner :)

No comments:
Post a Comment