Tuesday, 6 September 2011

Balitang Nasagap: Biggest Crocodile


 Today, this is the picture that took my breath away (langhya, kantang-sintonado).  Abala ako kanina sa aking trabaho, pero nang mahagip ito ng mga mata ko, naagaw niya ang atensyon ko.  Bukod kasi sa hanep ang yakap-pose ni kuya, ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking crocodile.   Hindi ko rin inakala na may ganito palang kalaking crocodile (san ka pa? ganyan ako ka-inosente).  21 foot (6.4 meters), 2370 pounds (1,075 kg) kasyang kasya ako sa tiyan niya.  Kahit naman sino, hindi makakatulog ng matino kung alam mong may ka-baryo kang ganito ka-dambuhalang reptile.  Kahit gaano ka pa kabantot, walang ligo at walang toothbrush.  Malalamon ka nito, kapag gutom.  Talo-talo na! (hahaha).  Kaya matakot ka.  Hindi ka na magtataka kung bakit laking pasasalamat ng mga taga-Banuwan nang mahuli ito.  Pero hindi pa dyan natatapos ang kanilang kwento, dahil may hinahanap pa silang mas dambuhalang crocodile. 

Pasalamat rin tayo kay Dambu Crocs (yan na ang name ko sa kanya) kasi, dahil sa kanya nailagay na naman ang Pilipinas sa mapa.  Celebrity ang dating ni Dambu Crocs.  Maaari siyang maitala sa The Guiness Record na 'Biggest Crocodile Caught Alive'.  Kung saan-saan pang sikat na news source mo mababasa ang tungkol sa kanya.  BBC, AFP, Yahoo, at syempre sa blog ko.  Malaking  privilege na ang ma-feature sa blog ko dahil minsan lang ako sipagin magsulat! (hahaha).  Ganyan siya kasikat!

Huwag lang sana siyang patayin at gawing Hermes Berkin bag.  Ang halaga ng isang Hermes bag ay $9,000 to $150,000, ibig sabihin ginto ang balat ng crocodile!  Ayon sa ating batas, pinagbabawal ang pumatay na mga endangered crocodiles.  Ang sinumang lumabag ay maaring makulong ng 12 taon at magmulta ng isang milyong piso ($24,000).  Kaya kung nagbabalak ka, lamunin mo nalang.  Ang average lifespan naman ng isang crocodile is 45 to 100 years.  Mabilis lang yun, kaya hintayin mo nalang. Malamang buhay ka pa non.(hahaha!)

Malaki rin ang maitutulong Dambu Crocs sa turismo ng ating bansa, isa na siyang tourist attraction.  Ito ang isang patunay na bukod sa buwaya nating mga opisyal, marami ring kakaibang bagay ang meron tayo na wala ang mga sikat at malalaking bansa.  Iyon ang nagpapaangat sa atin sa iba.  Paguwi ko nga sa Pinas papa-picture ako sa kanya! (hahaha)

No comments:

Post a Comment