Mga Nakakatuwa, Pauso at Madramang Quotes sa Buhay


1. My experience is my mentor  –  Ate Jo (para sa matatanda na. hahaha!)

2. Anong masama kung umutot ako? Humihinga rin naman ang pwet ko  –  Rommel  (Palusot ng isang ututen)

3. Mahirap magmahal ng taong hindi na pwedeng mahalin  –  Escabeche (no comment.)

4. I don’t get jealous! I can’t be jealous! I’ve never been jealous! ngayon lang.  –  John Lloyd (cute.)

5. Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda   - Jose Rizal (Palusot ng hindi makapag-ingles. Syet. Tinatamaan ako.)

6. Walang tawiran nakamamatay, kapag tumakbo, mabubuhay  - Late

7. Kelan ba namamatay ang isang tao? Namamatay ang tao hindi dahil sa lason o sakit o nabaril sa ulo o nasaksak ng kutsilyo sa puso. Namamatay ang isang tao kapag wala na siya sa isip at puso ng mga taong mahal niya  –  One piece

8. Kung tunay kang nagmamahal, hihintayin mo siya kahit gaano katagal  –  Doraemon

9. Ang sex nilalagay sa lugar, may context. 
Pag iihi ka, iihi ka dahil kailangan mong umihi at hindi ka iihi kahit saan.
Pag gutom ka, kakain ka dahil kailangan at hindi mo kinakain lahat ng pagkaing ihain sayo. At least yon ang nagpaiba satin sa aso.  –  Jigs ng Twenty Questions

10. Ang pinaka-judgmental na tao ay makikita mo sa simbahan  –  Gloria Diaz

11. Hindi habang-buhay, buhay ang mga magulang mo  –  Nanay ko (Ang paboritong sermon sa umaga)

12. Walang taong manhid, hindi lang talaga niya maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin  –  Bob Ong (pagtatanggol sa mga taong slow ang utak.)

13. Maswerte ang mga taong may alaala  –  Glass shoes

14. Ikaw lang, sapat na.  –  Francis Xavier (ang lupet.)

15. Hindi ako under kay misis, may respeto lang talaga ko sa kanya  –  Tatay ko (denial king)

16. I am not a church goer but I am a believer.  Mawala man ang lahat, hindi mawawala ang faith ko kay God -  Problemado

17. Hindi ako nagpapakipot, gusto ko lang malaman, kung hindi na ba talaga magbabago ang isip niya.  –  Maria Clara

18. Kung mali ka, ipamumukha ko sayong mali ka. Pero dahil kaibigan kita, ipagtatanggol parin kita kahit mali ka.  –  Razchel

19. Pinas parin ako, masaya kahit walang pera!  -  JF

20. Gumala habang bata  -  Sapatos