Name

Have you ever been curious about your name? What's its meaning. Where it came from. Why you have it...

Hindi naman ako curious noon. Pero nang ma-realize ko kung gaano ka-common ang name ko at gaano karami ang kapangalan ko, bigla akong na-curious sa puno't dulo nito. Biglang gusto kong malaman kung anong meron sa pangalan ko at kung may kakaiba ba dito.

Hindi po 'Iyang' ang pangalan ko. Ang 'Iyang' ay hango sa pangalan kong 'Rhea'.  May mga kaibigan kasi ako na nagmula sa panahon ng 1970 at naisip itong ipalayaw sa akin. Naisip ko siyang kagamitin dahil kakaiba siya. Parang pangalang-pang-kanto na medyo sinauna. Cute naman siyang pakinggan kahit pangalang pang-lola, kapanahunan nina Berta, Asyang at Basyang. hahaha.  Mas gusto ko na ang 'Iyang' kesa sa 'Bibe'.  Ang nakakatuwa ko kasing pamilya, pinalayawan ako ng 'Bibe' akala kasi ng mga magulang ko noon, bunso na ko.  Actually, 'Baby' dapat ang palayaw ko, kaso dahil medyo bisaya ang nanay ko naging 'Bibe'.  Pasalamat na nga lang ako kasi minsan tinatamad na silang bigkasin ng buo ang 'bibe' kaya shinort-cut nila at ginawang 'Bhe'.  Hanggang sa tumanda na ko.  Pero syempre kapag galit sila binubuo nilang 'Bibe!'

Tanggap kong hindi para sa akin ang magagandang pangalan.  Ang nanay ko nga, hindi na pinahirapan ang sarili sa pagiisip ng ipapangalan sa akin.  May nasulyapan lang syang 'Rhea Rubbing Alcohol', (ding!) 'Rhea' na agad ang isinulat na pangalan ko sa birth certificate.  Hindi na siya nag-effort na isipin pang ipangalan saken ang mga tipong:  Kimberly Ann, Mikaela Venice, Antoinette Marys, Adrianne Alexandra, Ashley Beatrice, etc., etc.  Pero mas okay na ang 'Rhea'.  May balak pa daw kasi ang tatay ko na isunod sa kanya ang pangalan ko at gawing 'Rogelia'.  Mga kamag-anak ni 'Alberta', 'Roberta', 'Pedra', pag nagkataon feeling ko bading ang name ko. hahaha.  Thankful naman ako at nag-effort ng onti ang tatay ko sa pag-iisip pero.. Susme.  Okay na talaga sa akin ang 'Rhea'. haha.  Hindi naman saken big deal ang mga pangalan (kahit ang dami ko ng nasabi).  Kasi para saken, kahit anong bantot ng pangalan mo, ang mahalaga mabango ang pagkatao mo (naks! ganyan ang banat!).  Sa tingin ko nga, bagay saken ang name na 'Rhea', parang pambata na may konting touch ng tapang (bumanat pa uli. hahaha.).

Dahil sa aking curiosity, naisipan kong manaliksik. At ito ang kakarampot kong nalaman. Ayon sa Greek mythology, si Rhea is known as 'mother of Gods'. Siya ang nanay ni Zeus at ng iba pang mga Greek Gods.  Asawa nya si Cronus na lumalamon sa anak nila pagkapanganak niya.  Pero nang ipanganak niya ang pang-anim nilang anak na si Zeus, itinago niya ito para maprotektahan sa matakaw niyang asawa (sabi ko sa inyo may itinatagong tapang ang mga Rhea).  Hindi ko na papahabain ang kwento dahil hindi naman ako mahilig sa Greek mythology at hindi naman ako Greek.  Yun na nga, nailigtas niya ang anak niyang si Zeus sa pagkakalamon pati na rin ang iba nyang anak. Happy ending. hahaha.
Sa science naman, wala akong hilig sa science pero ito ang nalaman ko, pangalan siya ng second largest moon sa Saturn,  period. haha.  Sa arabic, (ayon sa mga nakasalumuha ko) ang 'Rhea' ay pangalan ng isang sikat na kriminal.  Hindi ko pa alam ang buong kwento sa likod ng pagiging kriminal ng pangalan ko, pero kapag nakakuha ako ng tsismis, ishashare ko sa inyo. haha.
Nakakatuwa rin alamin ang history ng pangalan mo, marami kang matutuklasan.  Baka hindi mo alam, sikat ka palang terorista. x)