Dreams

Sa tingin ko, lahat naman ng tao, may mga pangarap.  Kung may nagsabing mang wala syang pangarap, humarap saken ng mabatukan ko.  hahaha.
Manalo sa lotto, bagong damit, bagong ngipin, bagong mukha, bagong buhay, bahay at lupa, kotse, laruan, pagkain, pera, diploma, katanyagan, pag-ibig, kaibigan, pamilya, sarili, ilan sa mga bagay na pinapangarap ng isang humihingang tao.  Kaya naniniwala ako na hindi pa pinapanganak ang taong walang pangarap. :)


Si Iyang noong bata ay punung-puno ng pangarap sa buhay.  Noong kinder sya pangarap niyang maging nurse.  Actually, hindi ko pala sya pangarap, pangarap sya ng marami, nakigaya lang ako.  Kapag bata ka kasi, madalas itatanong sayo ng mga matatandang walang masabi ang: Anong gusto mong maging paglaki?  At noong graduation namin sa kindergarten, dalawang beses kang aakyat ng stage.  Bukod sa kukunin mo ang diploma mo, kailangan mo rin magpakilala at sabihin ang pang-Little Miss Philippines na:  Ang gusto ko pong maging paglaki ko ay _______.
Noong mga panahon na yon, bukod sa candy at barbie, wala pa akong kapangarap-pangarap sa buhay.  Halos lahat ng kasabay kong gra-graduate, nurse ang gustong maging paglaki nila.  At dahil sa bata pa ako, ako si gaya-gaya.  Nurse na din ang gusto kong maging paglaki.  Kahit wala akong ideya kung anong ginagawa ng isang nurse.  Basta ang alam ko assistant sila ng doktor at nag-aalaga sila ng maysakit, tapos!  Kulay puti ang uniform nila at may maliit at puting sombrero sila sa ulo, pasado sa costume!  Hanggang ngayon naman, kahit ilang dekada na ang lumipas, sikat parin ang nursing.  At wag ka, sagana tayo sa mga nurse!  Siguro ung mga kabatch ko nung kinder, tinupad ang gusto nilang maging (haha).  Pero ako, kahit nursing pa ang pinaka-in demand sa market, hindi ko sya binalak o pinangarap kunin.  Dahil ang pagiging nurse ay isang madugong trabaho - at takot ako sa dugo.  Hindi naman OA ang fear ko sa blood.  Hindi naman ako nahihimatay o nangingisay.  Nanghihina lang naman ako kapag nakakakita ako ng dugo, kaya hangga't maari iniiwasan kong makakita. >.<

Seven years old ako nang mangarap akong maging manikurista.  Gustong-gusto kong maglinis at magpintura ng  kuko.  Ewan ko ba, tuwang-tuwa ako kapag nakakapanood ako ng mga nagma-manicure.  Pero hindi rin naman nagtagal ang pangarap kong yan, dahil pagkatapos ng isang taon pagiging teacher naman ang pinangarap kong maging.  Gusto kong magturo sa mga public school, sa mga batang kalye, sa mga batang hindi makapag-aral dahil walang pera.  Gusto kong maging cool at astig na teacher tulad ni Gokusen.
Grade four naman ako ng naisip ko na gusto kong maging lawyer.  Gusto ko paring maging teacher pero mas nangingibabaw na ang pagiging abogado.  Gusto kong maging Super Lawyer - tagapagtanggol ng mga taong walang nagtatanggol. haha.  Gusto kong maging abogado ng mga taong inosente at walang pera.  Gusto kong maging magaling na abogado para sa kanila.  Para wala na kong mapapanood sa pelikula na yung bida eh, nakukulong kasi hindi magaling ang abogado nya. haha.  Pero biglang gumuho ang pangarap kong maging isang Atty. Rhea o Atty. Iyang nang marealize ko kung gaano kalaking pera, oras at utak ang kailangan.  Marami akong oras pero pera? mukhang tagilid.  Utak? talagang tagilid.

Grade six ako, nang maisip ko naman na gusto kong maging madre.  Naimpluwensyahan kasi ako ng bida sa pinapanood kong cartoon na si Maria sa The Von Trapp Family Singer.  Pero hindi rin nagtagal, nawala rin ang pangarap kong yon.  Marami kasing nagsasabi na hindi daw ako tatanggapin sa kumbento dahil maingay daw ako, bungisngis, malikot at walang maitutulong sa kumbento.  Naisip ko rin na tama sila, saka palagay ko mag-aasawa ako balang araw. hahaha.

Highschool ako nang magsimula akong magsulat ng mga love stories.  Nagsimula siya sa pagiging script hanggang sa maging nobela, na nagustuhan naman ng mga kaibigan kong bumabasa.  Kaya na-encourage akong magsulat.  Kaso dumating ako sa point na hindi ko na matapos ang kwento.  Wala nang nageencourage sakeng magsulat.  Hanggang mag-college at magkatrabaho na ako.  Hindi nawala ang pangarap kong maging writer, nakatulog lang siya. haha.  Kaya balang araw magigising din sya.  Matatapos ko din ang kwento ko na mababasa ng lahat. :)

Nagtapos ako sa kursong Business Management  pero wala akong interes sa business.  Sabi nila, karamihan ng mga kumukuha ng kursong Management ay mga nalilito, naguguluhan, no choice, at isa na ko don.  Engineering sana ang course na gusto kong kunin.  Kaso ayaw ng nanay ko dahil Engineering na rin kasi ang kinukuha ng kuya ko.  Wag daw akong gaya-gaya.  As if naman, idol ko ang kuya ko para gayahin sya.  Iyon lang talaga ang kursong gusto kong kunin, nagkataon lang na naunang ipanganak ang kuya ko! (cge rhea, ngaun ka mangatwiran, makakabalik ka pa sa nakaraan. hahaha.)  Syempre dahil masunurin akong anak, lahat ng gusto ng nanay ko na kaya ko namang pagbigyan o sundin, ginagawa ko.  Kaya nang i-suggest nyang Accountancy ang kunin ko, sinunod ko.  Okay naman ang first year ko, kinaya naman ng utak kong magbalanse ng mga di balanseng problema.  Kaso hindi ko namaintain ang scholarship.  Nagkaroon din ako ng problemang pang-puso.  Nagdecide akong lumipat ng school kaya medyo naiba ang future ko.
Hindi tumatanggap ang school na lilipatan ko ng transferee sa kursong Accountancy.  Dalawa lang ang options ko. It's either tumuloy ako sa Accountancy pero balik first year ako o mag-shift ako ng course.  Hindi ako nakapag-decide agad.  Inabot ng 24 hours bago ako nakapag-decide.  Mas nangingibabaw saken na grumaduate kasabay ng mga ka-batch ko.  Inisip ko rin ang gastos.  Hindi naman kasi mayaman ang pamilya ko, saktong nagsisikap lang ang mga magulang ko para makapag-aral kaming magkakapatid.  Kaya hindi pwedeng pa-easy-easy ako at sayangin ang isang taon.  Kaya pinili ko nalang magshift ng course at bumaksak nga ako sa Management.
Hindi man ito ang gusto kong kurso, I never regret anything.  Kasi buhay pa naman ako hanggang ngayon, at masaya ako kung ano ako ngayon.  Narealize ko nga, habang tumatagal nagiging malinaw ang pangarap ko sa buhay.  Kung noong bata ako, para akong unyango na pabago-bago ng gustong maging, ngayon focused na ko sa gusto kong maabot.  Tatlo ang pangarap ko sa buhay.  Una, gusto kong maging writer - ang natutulog kong pangarap.  Kaya gigisingin ko sya sa pagblo-blog.  Pangalawa, gusto kong mapagtapos ang mga kapatid ko, mapasaya ang mga magulang ko at mabigyan ng maayos na buhay ang pamilya ko.  At pangatlo, gusto kong manalo sa Lotto! Kaya balang araw, tataya ako! :)