Sunday, 7 August 2011

the heart you left behind..

Eto ang mahirap sa pagbabakasyon, ang pagbalik.  Ang pagbalik, sa katotohan na ang lahat ng saya ay may katapusan.  Ito ang pinaka-challenging, pinaka-mahirap at pinaka-hate kong part.  Back to zero uli.  Kailangan ko uling maghintay ng 12 months at magbilang ng 365 days para makasama uli ang mga mahal ko sa buhay..


Sabi naman nila mabilis lang ang panahon, hindi mo mamalayan, one year na ang nakalipas.   Sa totoo lang mabilis naman talaga ang one year kung hindi mo hinihintay.   Kailangan mo lang libangin ang sarili mo.  Mag-focus ka sa ibang bagay kesa sa pagbibilang ng araw.  Pero akala mo ba madali lang gawin yon?  Bago mo magawa yon, kailangan mong makalagpas sa isang challenge, ang mag-move on.  Kailangan mong tanggapin na balik ka naman sa abnormal mong buhay.  Last year after kong magbakasyon, inabot ng months bago ako maka-recover.  Pero ngayon di ko alam kung gaano katagal magi-stay ang aking jet lag..  


Feeling ko nakakulong ako, nakakakulong sa sarili kong pagkatao.  Gusto kong bumalik pero hindi ako makakawala.  Isang linggo na ang nakalipas mula ng makabalik ako sa Dubai.  Pero walang laman ang isip ko kundi ang bumalik sa pinas.  Feeling ko nahati ang katauhan ko sa dalawa.  Oras-oras silang nagtatalo.  Ang isa, paulit – ulit na isinisigaw na gusto na nyang umuwi ng pinas.  Ang isa naman na napakatigas, ito lang ang laging binibigkas:  Kaya mo bang i-give up ang future ng mga mahahalagang tao sa buhay mo? Kaya mo bang harapin ang mga disappointment nila? Kaya mo bang maging makasarili? Kung kaya mo, walang pipigil sayong bumalik.  Kapag naiisip ko na ang mga bagay na yon.  Bigla akong natatauhan.  Para akong robot na biglang marereformat, na ang tanging natitira sa memory chip ay ang goal nya sa buhay, ang reason niya kung bakit sya nasa Dubai.

Kaso sandali lang ang epekto niya.  Pinapasok uli ang utak ko ng: 'Gusto ko ng umuwi ng Pinas' Virus. Masyadong malakas ang virus na to, na hindi kayang tanggalin ng simple troubleshooting lang.  Wala naman kasi ito dati.  Noong una akong pumunta sa Dubai.  Wala akong ganyang virus.  Sumulpot lang siya nang una akong magbakasyon sa pinas.  Kung noon, pamilya lang ang naiisip ko, ang nami-miss ko.  This time, iba na.  Dumami sila.  Nadagdagan ng barkada at nagkaroon ng 'special someone' sa istorya.  Kung noon, isang part ng puso ko may hole, ngaun feeling ko buong puso ko ang naiwan..

No comments:

Post a Comment