Saturday, 6 August 2011

My first post :)

It’s been a while since I last posted something on this blog.  When I created this blog, I promised to update this as often as I can.  Kaso I’ve been busy for the past months with my work and watching movies.  Nabalewala tuloy ang pagsusulat ko. I don’t know what happened to me.  Parang I lost my appetite on writing.  I love writing but I can’t write anymore.  Siguro dahil hindi na ako motivated magsulat?  Maraming bagay-bagay naman ang naglalaro sa utak ko kaso, hindi ko sya maisulat.  Ang nakakatawa, ngayon ko lang narealize na may ganito palang problema ang sarili ko. Haha.  Last time kasi na dumalaw ako dito pinangako sa sarili ko na, I will write something on my birthday.  Kaso nakalipas na ang birthday ko at lagpas na sa deadline, wala pa rin akong naipo-post.  Nag-try akong magsulat kaso intro palang ako, hindi ko na maituloy.  Parang kinakalawang na ang brain ko, hindi na ko makapagsulat ng matino.  Mukhang hindi na nagsi-circulate ng maayos ang ideas sa utak ko.  Kaya eto ako ngayon nag-iimbestiga, inaalam kung ano bang problema.
 Aha! Teka, biglang may flash report na pumasok sa utak ko.  I think alam ko na ang problema.  Epekto siguro to ng tinatawag na ‘love virus’.  Kasi everytime I start to write something, biglang may taong pumapasok sa isip ko.  Nadi-divert ang utak ko sa kanya, kaya yung original ideas ko nawawala, hanggang hindi ko na maisulat.  Hays, kalokang virus yan! First time kasing nangyari saken kaya ayan,  hindi ko alam i-handle (may ganon?) hahaha.  Kailangan lang siguro ng praktis.  So I’ll try to write something then I’ll just post it later J

P.S.  – Congratulate me, I have my first post X)

No comments:

Post a Comment