Oo, tama ang sabi ng title, isa akong couch potato ngayong araw. Ito ang huling araw ng mahabang holiday o ng Eid break dito sa middle east. At dahil sobrang busy ang katawan ko ng mga nakaraang araw, ang gusto ko nalang gawin ngayon ay mahiga, kumain, matulog, kumain, mahiga at matulog uli. Yan ang buhay ko ngayong araw. Natapos ko na ang lahat ng korean drama na gusto kong panoorin. Naubusan na rin ako ng movies. Nabasa ko na lahat ng tsismis sa Pep, twitter at fb. Kaya eto ako ngayon, nakaalalang bumisita sa aking blog.
Ang dami ko palang write ups na nakasave lang sa draft, mga hindi tapos. Sila ang ebidensya ng katamaran ng aking kulang-kulang na utak. Infairness bigla akong sinipag magsulat uli, mukhang makikita nyo ko dito ng madalas. Pero ngayon, matutulog muna ako. hahaha. :)
No comments:
Post a Comment