Special day ng kuya ko ngayon, kaso as much as I want to greet him a Happy Birthday hindi ko magawa. Magkaaway kasi kami. Actually, sanay na ko. Mga bata palang kami, lagi na kaming magkaaway. Sabi ko nga, hindi kayo magkapatid pag hindi kayo nagaaway. Naalala ko pa nung mga bata kami, lagi naming pinag-aawayan ang TV, kung anong channel ang panonoorin. O kaya yung mga bagay na gusto nya na hindi ko gusto, kinokontra ko. Ewan ko ba, minsan naiisip ko kontra-bulate ako sa kanya. Hindi ko nga sya masisisi kung feeling niya hindi ko siya ginagalang. Hindi ko na nga sya tinatawag na 'kuya', madalas ko pa siyang kinokontra. Pagdating kasi sa family matters, I always want to air my opinion. Madalas napagmumulan ng away naming magkapatid. Pero kahit gaano ako nakakainis sa paningin ng kuya ko, love na love ko sya. Yun lang, di nya alam :(
Kahit madalas kami mag-away noon, sandali lang, nagkakaayos na kami. Pag nag-away kasi kami, walang imikan. Pero kapag may umimik na, ibig sabihin suko na, okay na uli kami. Pataasan ng Pride. Larong pambata.
Kaso iba ngayon, 3 months na ang nakalipas simula nang nagka-inisan kami. As usual, nakialam na naman kasi ako sa buhay nya. Naging kontra-bulate na naman ako. Aminado naman ako na nakakainis na ako. Kaso hindi ko lang talaga mapigilang makialam. Lalo na kung alam kong may katwiran naman ako.
Nung una, siya lang ang galit, hindi naman ako galit. Hanggang sa nakabalik na ko ng Dubai, hindi siya nagpakita. Sobrang lungkot ko non, kaya sobrang nagtampo din ako. Dumating din ang birthday ko, hindi man lang ako naalalang batiin. Kaya nadagdagan ang tampo ko. Pero kahit naman nagtatampo ako, gusto ko pa rin syang batiin ng happy birthday, yun lang dito ko nalang siya igri-greet.
Happy Birthday Kuya! Sana you're happy on your day. I love you :)
Tuesday, 30 August 2011
Saturday, 13 August 2011
Gossip Girl Mind War: Chair or Dair?
OMG. This will be my second entry on this blog and it's Gossip-Girl related (tsk, tsk, tsk). I was hooked up in this series, until it reached season 2. I started to skip some episodes which related to Serena-Dan. I hate their team up. I don't see any chemistry between the two. Or maybe I just hate to see them being together, because I am Serena-Nate fan (okay, I'm biased.) Although I don't find it interesting anymore, I still continue to watch it. I'm still waiting for something new, when season 4 arrives. I am Chuck-Blair fan but surpringly, when I saw Dan and Blair being together, I've become more interested in the latter.
Although Dan and Blair have the mutually-hated relationship, they undoubtedly like each other. They know each other inside and out without realizing it. And it amuses me everything they try to deny their feelings. Their kiss thrilled me, however, I thought it just wasn't enough. Dan didn't get a chance to tell Blair that he likes her. We didn't get a chance to see what kind of relationship they can offer. The 'Queen Bee' fall for the 'Lowly Boy' or The 'Good Boy' falling in love with 'The Bitch' will be more exciting. If I will be the writer I will erase Prince's character and replace it with Dan. Dan cares for Blair more than he can imagine while Chuck cares Blair more than anything. That will give us Dan as her right love versus Chuck as her great love. Exciting! Too bad I am not one of the writers :(
I still want Blair to end up with Chuck but I still want to give more episodes and chance for Blair and Dan. I know it will not happen not unless I'm the writer and write my own story. So I'll just wait for the next season and try to get over with Dan-Blair fantasy :)
Sunday, 7 August 2011
the heart you left behind..
Eto ang mahirap sa pagbabakasyon, ang pagbalik. Ang pagbalik, sa katotohan na ang lahat ng saya ay may katapusan. Ito ang pinaka-challenging, pinaka-mahirap at pinaka-hate kong part. Back to zero uli. Kailangan ko uling maghintay ng 12 months at magbilang ng 365 days para makasama uli ang mga mahal ko sa buhay..
Sabi naman nila mabilis lang ang panahon, hindi mo mamalayan, one year na ang nakalipas. Sa totoo lang mabilis naman talaga ang one year kung hindi mo hinihintay. Kailangan mo lang libangin ang sarili mo. Mag-focus ka sa ibang bagay kesa sa pagbibilang ng araw. Pero akala mo ba madali lang gawin yon? Bago mo magawa yon, kailangan mong makalagpas sa isang challenge, ang mag-move on. Kailangan mong tanggapin na balik ka naman sa abnormal mong buhay. Last year after kong magbakasyon, inabot ng months bago ako maka-recover. Pero ngayon di ko alam kung gaano katagal magi-stay ang aking jet lag..
Feeling ko nakakulong ako, nakakakulong sa sarili kong pagkatao. Gusto kong bumalik pero hindi ako makakawala. Isang linggo na ang nakalipas mula ng makabalik ako sa Dubai. Pero walang laman ang isip ko kundi ang bumalik sa pinas. Feeling ko nahati ang katauhan ko sa dalawa. Oras-oras silang nagtatalo. Ang isa, paulit – ulit na isinisigaw na gusto na nyang umuwi ng pinas. Ang isa naman na napakatigas, ito lang ang laging binibigkas: Kaya mo bang i-give up ang future ng mga mahahalagang tao sa buhay mo? Kaya mo bang harapin ang mga disappointment nila? Kaya mo bang maging makasarili? Kung kaya mo, walang pipigil sayong bumalik. Kapag naiisip ko na ang mga bagay na yon. Bigla akong natatauhan. Para akong robot na biglang marereformat, na ang tanging natitira sa memory chip ay ang goal nya sa buhay, ang reason niya kung bakit sya nasa Dubai.

Kaso sandali lang ang epekto niya. Pinapasok uli ang utak ko ng: 'Gusto ko ng umuwi ng Pinas' Virus. Masyadong malakas ang virus na to, na hindi kayang tanggalin ng simple troubleshooting lang. Wala naman kasi ito dati. Noong una akong pumunta sa Dubai. Wala akong ganyang virus. Sumulpot lang siya nang una akong magbakasyon sa pinas. Kung noon, pamilya lang ang naiisip ko, ang nami-miss ko. This time, iba na. Dumami sila. Nadagdagan ng barkada at nagkaroon ng 'special someone' sa istorya. Kung noon, isang part ng puso ko may hole, ngaun feeling ko buong puso ko ang naiwan..Saturday, 6 August 2011
My first post :)
It’s been a while since I last posted something on this blog. When I created this blog, I promised to update this as often as I can. Kaso I’ve been busy for the past months with my work and watching movies. Nabalewala tuloy ang pagsusulat ko. I don’t know what happened to me. Parang I lost my appetite on writing. I love writing but I can’t write anymore. Siguro dahil hindi na ako motivated magsulat? Maraming bagay-bagay naman ang naglalaro sa utak ko kaso, hindi ko sya maisulat. Ang nakakatawa, ngayon ko lang narealize na may ganito palang problema ang sarili ko. Haha. Last time kasi na dumalaw ako dito pinangako sa sarili ko na, I will write something on my birthday. Kaso nakalipas na ang birthday ko at lagpas na sa deadline, wala pa rin akong naipo-post. Nag-try akong magsulat kaso intro palang ako, hindi ko na maituloy. Parang kinakalawang na ang brain ko, hindi na ko makapagsulat ng matino. Mukhang hindi na nagsi-circulate ng maayos ang ideas sa utak ko. Kaya eto ako ngayon nag-iimbestiga, inaalam kung ano bang problema.
Aha! Teka, biglang may flash report na pumasok sa utak ko. I think alam ko na ang problema. Epekto siguro to ng tinatawag na ‘love virus’. Kasi everytime I start to write something, biglang may taong pumapasok sa isip ko. Nadi-divert ang utak ko sa kanya, kaya yung original ideas ko nawawala, hanggang hindi ko na maisulat. Hays, kalokang virus yan! First time kasing nangyari saken kaya ayan, hindi ko alam i-handle (may ganon?) hahaha. Kailangan lang siguro ng praktis. So I’ll try to write something then I’ll just post it later J
P.S. – Congratulate me, I have my first post X)
Subscribe to:
Comments (Atom)