Friday, 21 December 2012

12.21.2012

12.21.2012.  A controversial date.  According to Mayan calendar, end of the world na daw.  Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto ng mga taong i-predict kung kelan ang end of the world.  Gusto ba nilang mawalan ng mundo?  Gusto nilang i-satisfy ang kanilang curiosity?  Gusto nilang mapag-usapan?  o Gusto lang nilang magpauso?  Hindi ako sure kung anong pinaghuhugutan nila sa bagay na yan.  Basta hindi ako naniniwala sa 'end of the world'.  Pero naniniwala ako na may judgement day.  Anong pinagkaiba ng dalawa?  Para kasi saken ang 'end of the end', total wipe out.  Ang 'judgement day' kakausapin ka ni God heart to heart (hahaha. oo ganyan ka-positive ang paniniwala ko).  Alam ko maraming magko-contradict sa paniniwala ko mula sa iba't-ibang religious sector.  At maging kapwa ko Katoliko.  Para kasi saken, iba't iba naman kasi ang interpretasyon ng bawat isa sa isang bagay.  Hindi porke't pareho kayo ng religion, kailangan pareho na kayo ng interpretasyon.  Para sa akin, hindi mahalaga kung anong religion mo, ang mahalaga, iisa tayo ng faith, na may iisang God na nagmamahal sa ating lahat :).  Ayan napunta na sa religion, hindi pa naman ako mahilig pagusapan ang tungkol sa religion.  Madalas kasi nauuwi sa debate, nakakainis lang.  Okay lang sa aking mag-share ng mga paniniwala mo sa isang tao, pero hindi naman kailangang ipilit mo na dapat ganon din ang maging paniniwala nila.  Kailangan mo lang makinig at i-respeto ang paniniwala nila.

Mapunta naman tayo sa light na usapan.  At dahil uso ngayon ang 'end of the world' prophecy, sikat din ang 'end of the world' questions.  Pumili ako ng limang questions na feel kong sagutin:

If the world will end today...

1. Who would you spend the day with and what would you be doing? 
     My family. Uuwi ako ng pinas, at magpi-fiesta meal kaming lahat! hahaha. Yun ang isa sa mga simpleng bagay, na bonggang saya ang naibibigay. 

2.  Who would have been the last person you would loved to see?
     Marami sila e. Lahat ng taong naging espesyal saken.

3. What would have been your last wish?
     Bagong career.

4. Who would have been the last person you loved?
    Haha.  Hindi ako sure kung na-inlove na ba ko.  May mga naging 'special'.  Pwede bang 'huling nagpasaya' nalang? Isa siyang month sa calendar.

5. What would be your last lesson in life?
    Live like it's always your last day.  I-enjoy ang buhay.  Gawin mo na ang mga bagay na gusto mong gawin.  Sabihin ko na kaya sa long-time crush ko na crush ko sya?  hahaha.

Para saken, dalawa lang ang choice natin sa buhay.  Live the life you love o Love the life you live.  I have the latter.  Wala sa akin ang buhay na gusto ko, pero kung anuman ang buhay ko ngayon, ine-enjoy ko.  Sa ganoong paraan, natutunan kong mahalin ang buhay na meron ako :)

No comments:

Post a Comment